Lolo, na-depress, nagpatiwakal

Bangkay na ng matagpuan ng kanyang kaanak ang 92-anyos na lolo sa Sitio Madan-an, Brgy Bibincahan, East District, Sorsogon City.

Sa naantalang ulat ng Sorsogon City Police Station, nadiskubre ang insidente dakong alas 8:30 ng gabi noong Hunyo 20 nitong taon.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Kinilala ito ng Pulisya na si Domingo Quipado Jestre isang biyudo.

Ang insidente ng pagbitay ay iniulat ng anak nito sa himpilan ng pulisya.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Ayon dito, ang kanyang ama umano ay may kondisyong medical na naging dahilan at nagdulot ng pagkabalisa at depresyon nito.