DSWD nilinaw kung sino- sino lang ang maaaring maka- avail ng educational assistance

CAMARINES NORTE- Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung sino- sino lang ang maaaring maka- avail ng educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

Sa gitna ito ng kaguluhan at kalituhan na nangyari sa unang pamamahagi nito noong nakaraang Sabado.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Social Welfare Officer III Claudio Villareal Jr. ng DSWD Provincial Field Office, sinabi nito na base sa guidelines at sa naging mga pahayag ni Secretary Erwin Tulfo hindi kasama sa makakatanggap ng assistance ang 4P’s beneficiaries at ang iskolar ng Local Government Units.

Ang mga itinuturing “students in crisis” ay ang mga sumusunod; bread winner sa kanilang pamilya, working student, ulila o inabandona at kasalukuyang nakatira sa kaanak, anak ng solo parent, anak na ang mga magulang ay walang pinagkakakitaan, anak ng OFW na itinuturing na “in distress,” anak ng Person with Disability (PWD), may magulang na HIV positive, biktima ng pang abuso at krisis na dulot ng giyera o kaguluhan at biktima ng mga kalamidad tulad ng sunog, bagyo o lindol.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pero paglilinaw ni Villareal hindi rin awtomatikong makakatangap ang anak ng solo parent o PWD kung may kakayahan naman ang mga ito.

Hindi rin tatanggap ng walk- in sa venue ng pay out at ang tatanggapin lang ay ang mga nakapag online application at may natanggap na email mula sa DSWD.

Sa darating na Sabado ay gagawin ang pay out sa SM City Daet para sa mga taga Daet at San Vicente.

Ayon kay Villareal nasa 1, 642 ang dumaan sa initial assessment ng DSWD na maaaring pumila sa venue ngayong darating na Sabado

Sa susunod naman na Sabado o sa September 3 ay gagawin pa rin ang pay out sa SM City Daet para sa mga taga Basud, San Lorenzo Ruiz at Talisay habang sa September 10 ay pareho pa ring venue para naman sa mga taga Mercedes, Vinzons at Labo.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa September 17, 2022 ay magkakaroon ng dalawang team ang DSWD para mag pay out sa Capalonga at Sta Elena na gagawin sa kani- kanilang covered court.

Sa September 24 naman o huling Sabado ay gagawin ang pay out sa Jose Panganiban at Paracale.

Nakatanggap ng 10, 702 online applications ang Provincial Operations Office ng DSWD na idinaan sa initial assessment kung saan inalis na ditto ang mga pangalan ng 4P. s benefivcairies gayundin ang mga nakatanggap na sa AICS o iskolar ng LGU.

Lumalabas na ang eligible sa ngayon ay 5, 865 at ang mga ito na umano ang i-ischedule sa natitirang limang Sabado.