KORONADAL CITY- OPERATIONAL na muli ang CT scan sa South Cotabato Provincial Hospital (SCPH) matapos itong nagkaproblema dahil sa supply ng kuryente.
Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na ginagamit na ang naturang equipment ngunit limitado pa lamang ang naseserbisyuhan nitong mga pasyente.
Ipinaliwanag ng gobernador na prayoridad sa Free CT scan ang mga pasyenteng admitted sa provincial hospital.
Samantala, ang mga out-patient ay makaka-avail naman kung wala nang naka-schedule na admitted patients at kung may bakante.
Ang mga out-patient ay maaari namang makapagpa-CT scan sa mga private hospitals at maaaring humingi ng laboratory assistance sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
