KORONADAL CITY- FULL face-to-face classes na ang ipinatutupad sa lahat ng mga public schools sa Soccsksargen region simula noong November 2.
Ito ang kinumpirma ni Department of Education o DepEd 12 regional information officer Reah Joy Halique bilang pagtalima sa DepEd Order No. 34 series of 2022.
Ayon kay Halique na lahat ng mga pampublikong paaralan ay 5-araw na na nagpapatupad ng in-person classes at wala ng nagsasagawa ng modular o blended learning.
Ang mga private schools ay hinihikayat naman ng DepEd na magpatupad na rin ng full in-ng paaralan ngunit ito ay depende pa rin sa kanilang kapasidad
Samantala, inihayag ni Halique na sa oras na may mga mag-aaral na magpopositibo sa COVID 19, maaari ang mga itong magpatupad muli ng blended learning batay sa polisiya ng Inter- Agency Task Force Against COVID 19.
Sa ngayon, wala pang mga report na may mga estudyante at mga guro na nagpositibo sa COVID 19 simula na ipinatupad ang full face-to-face classes noong November 2.
