NAGA CITY – Hindi lamang isa, kundi tatlong parangal ang nasungkit ng Metro Naga PESO, sa ginawang Year-End Performance Assessment ng Regional Public Employment Service Office sa ilalim ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Kinilala kasi bilang Top Performing PESO in the National Skills Registration Program (NSRP), Top-Performing PESO in Labor Market Information (LMI) Implementation at higit sa lahat, Most Outstanding PESO Manager (City Category) – si Roderick Reforsado, ang Metro Naga PESO Officer in Charge.
Sa panayam kay Reforsado, nagpapasalamat sila at labis na natutuwa dahil sa ganitong paraan, narerecognize o nakikila ang kanilang mga ginagawang programa lalo na para sa ikabubuti ng publiko sa pagbibigay ng magandang serbisyo na ngayon ay mas aayusin pa ng naturang opisina.
Maliban pa riyan isang karalangan din dahil naparangalan ng Plaque of Appreciation si Florencio Jun Mongoso JR., sa kanyang 29 taong serbisyo bilang Multi-Awarded PESO Manager, ang unang PESO sa buong bansa na na-institutionalize bago ang PESO Act of 1999 at ang pinakabatang department head sa pamahalaang lungsod ng Naga sa edad na 30. Ang programa ay taonang ginagawa para sa lahat ng public service office.