Metro Manila, nasa low risk na sa COVID-19 infections- DOH

Nasa low risk na para sa COVID-19 infections ang Metro Manila ngayong patuloy na bumababa ang infections sa capital region.

Ayon kay Department of Health Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman, nagpapakita ang Metro Manila ng mabagal na decline matapos mag-plateau.

Aniya, ang NCR ay may average na 685 bagong cases kada araw mula June 16 hanggang 22, mas mababa sa average na 825 daily news cases noong June 9 hanggang 15.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Dagdag ni de Guzman, ang target ay mapababa pa ito para makamit ang pre-enhanced community quarantine (ECQ) levels na mas mababa sa 500 cases.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Nakapagtala ng average daily attack rate (ADAR) ang Metro Manila ng 5.70 cases per 100,000 population, occupancy rate na 36.29 percent, at intensive care unit (ICU) utilization rate na 45.83 percent.

Mababatid na noong nakaraang linggo, kinukunsidera ang Metro Manila bilang moderate risk sa COVID-19.