Metro Manila – isinailalim na sa State of Calamity

Inaprubahan na ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong National Capital Region (NCR) dulot ng matinding pagbaha dahil sa Bagyong #CarinaPH at #HabagatPH.

Sa naging pulong ng mga Metro Manila Mayors, kasama si Interior Secretary Benhur Abalos – nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang mga alkalde sa naturang deklarasyon.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Ito umano’y para ma-utilize ang mga pondong magagamit para sa pagtugon sa kalamidad.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa kabuoan – 12 mula sa 17 mayors ang sumuporta sa deklarasyon.

Lima ang hindi nakaboto dahil absent sila sa meeting.