Nalubog sa baha ang maraming lugar sa Metro and Mega Manila ngayong araw dahil ito sa walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat at bagyong Carina.
Sa Kawit, Cavite, nagmistulang dagat ang Barangay Tabon 1 dahil sa ga-dibdib na baha habang lampas tuhod naman ang baha sa Barangay Wakas Dos.
Sa Marikina City, bubong na lang ang makikita sa ilang mga bahay sa Barangay Sto. Niño dahil sa pag-apaw ng Marikina River.
Umapaw na din ang tubig baha sa may Tulyahan Bridge sa pagitan ng Malabon at Navotas habang aabot naman sa 7 feet ang pinakamalalim na baha sa Damka, sa Sta Mesa, Maynila.
Marami ring lugar sa Bulacan ang naapektuhan ng matinding pagbaha dahilan para ilikas ang mga residente.
Sa ngayon ay isinailalim na sa state of calamity ang Metro Manila habang patuloy ang paglikas sa mga apektadong residente.