MMFF – Parade of Stars, aarangkada na ngayong hapon

Aarangkada na mamayang hapon ang Parade of Stars ng 2023 Metro Manila Film Festival na gaganapin sa CAMANAVA.

Magsisimula mamayang alas-2 ang parada mula sa Navatos Centennial Park, at dadaan sa C4, Samson Road, McArthur Highway at magtatapos sa Valenzuela People’s Park kung saan gaganapin ang main event.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ngayong taon, tampok sa MMFF ang 10 pelikula at ito rin ang unang pagkakataon na dadaan ang Parade of Stars sa apat na lungsod.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Magsisimulang ipalabas ang mga pelikulang kalahok sa 49th MMFF sa December 25 hanggang January 7 ng susunod na taon sa mga sinehan sa buong bansa.

Samantala, gaganapin naman sa Disyembre abente syete ang gabi ng parangal.