Naglagay na ang Olongapo Traffic Management and Public Safety Office ng metal railings at signages sa national highway ng Brgy. Old Cabalan.
Nitong Lunes ay inilagay ito ng OTMPS bilang bahagi umano sa kaligtasan ng publiko.
Isa pa dito ay para maiwasang maulit ang nangyaring aksidente nakalipas na linggo sa lugar.
Matatandaan na isang bata ang nabundol ng jeepney driver habang tumatawid sa pedestrian lane kaya minabuti ng syudad na maiwasang maulit ang mga ganitong pangyayari.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: OTMPS
