Lagpas 170 ang naaresto ng pulisya sa Gitnang Luzon, matapos ang ikinasang week long operation laban sa illegal na droga.
Mula ito sa 106 na magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa iba’t ibang lalawigan at munisipyo sa Gitnang Luzon.
Umabot naman sa mahigit 2.4 million pesos na halaga ng illegal na droga ang nasamsam.
Samantala sa iba pang anti-criminality operation ng pulisya, may naaresto ring 169 na wanted person, 16 ang naaresto dahil sa illegal possession of firearms, 127 sa illegal gambling, at 14 ang dahil sa robbery.
