Isang apartment, sinunog ng lasing na lalaki

Nahaharap sa kasong arson ang isang lalaki na suspek sa panununog ng isang boarding house sa Purok Emelda Barangay Sta. Monica sa Puerto Princesa City kaninang madaling araw.

Ayon kay SFO1 Mark Anthony Llacuna, ang suspek ay si John Dave Diaz Gudoy, 21 anyos na tenant sa sinunog nitong boarding house o apartment.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Lasing umano ang suspek at may nakarinig pa sa kanya na nagbanta na susunogin nito ang gusali.

Nagbabago raw ng anyo ang suspek sa oras na ito ay malasing.

Sinilaban umano nito ang tela na nakalagay sa ibabaw ng washing machine kanina na mabilis kumalat sa semi- concrete na gusali kung saan natupok ang apat na kwarto.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Samanta, nahuli ang binata ng pulisya sa Hagedorn Road sa Barangay San Pedro dito sa lungsod na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan.