Messi, positibo sa COVID-19

Inanunsyo ng Paris Saint-Germain football club na nagpositibo sa COVID-19 ang star player nito na si Lionel Messi.

Sinabi ng club na kasalukuyan nang naka-self isolate si Messi.

Nagpositibo si Messi matapos nitong mag-holiday sa kaniyang hometown sa Rosario, Argentina.

Ipinunto ni PSG coach Mauricio Pochettino na lagi silang nakikipag-ugnayan sa kanilang medical service para kay Messi.

Mababatid na ang Argentinian star na ang isa sa apat na PSG players na nagpositibo sa COVID-19 bago pa man dumating ang kanilang laro sa Franch Cup laban sa Vannes.