Hospitalizations sa U.S., maaring tumaas dahil sa Omicron – expert

Nagbabala ang top US infectious disease expert na si Anthony Fauci na posibleng sumirit ang bilang ng mga tao na nao-ospital dahil sa Omicron COVID-19 variant.

Ito ay kahit sinabi sa mga inisyal na datos na less severe ang Omicron kumpara sa mga naunang variants.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Sinabi ni Fauci na hindi mawawala ang panganib ng pagtaas ng hospitalizations hanggat nananatiling marami ang bilang ng mga kaso.

Iginiit ng opisyal na mas transmissible ang Omicron kumpara sa Delta variant.

Read More:  Iran President urges end to conflict with US amid Middle East tensions

Base sa datos ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay tinatayang nasa 58.6% ang Omicron mula sa mga kumakalat na variants sa Estados Unidos.