Claudine at Marjorie, magkasama na sinalubong ang Bagong Taon

Nakitang magkasama ang estranged sisters na sina Claudine at Marjorie Barretto nang salubongin ng buong pamilya nila ang Bagong Taon.

Sa magkahiwalay na Instagram Story posts ay makikita ang mga parehong larawan at videos na ibinahagi ng kanilang mga pinsan na sina Leon Barretto at Sab Barretto.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Makikita sa litrato na orihinal na ibinahagi ni Leon si Marjorie at ang mga anak nito na sina Claudia at Leon.

Nag-expire na ang naturang larawan, ngunit agad itong nakuhanan ng kopya ng ilang fan sites.

Naipost rin ni Claudine ang isang video sa Instagram account nito na nagpapakita kina Leon at Sab, kasama na ang mga pinsan nito, sa pag-welcome ng new year sa Olongapo.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Matatandaan noong Mayo ay sinabi ni Marjorie na hindi pa siya nakikipag-ayos sa mga kapatid niya na sina Claudine at Gretchen.