MERALCO at lahat ng distribution utilities, inatasan na ng DOE na i-activate ang ILP

Inatasan na ng Department of Energy o DOE ang lahat ng mga distribution utilities, kabilang ang MERALCO at mga electric cooperatives na i-activate ang kanilang interruptible load program o ILP.

Sa gitna ito ng nararanasang pagnipis ng supply ng kuryente, dahilan ng pagdedeklara ng yellow at red alert sa Luzon grid kahapon.

Sa pag activate ng ILP, gagamit ang mga DUI ng sarili nilang generators para mabawasan ang gumagamit ng kuryente mula sa grid.

Hinimok rin ng DOE ang mga industrial at commercial establishments na bawasan ang pag gamit ng power kapag peak hours upang mabawasan ang epekto ng kakulangan sa supply ng kuryente.

Una nang nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa DOE na mahigpit na makipag ugnayan sa mga stakeholders upang agad maibalik sa normal ang load ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *