Mental Health Problem sa Palawan, tumaas – report

Aminado ang Philippine Mental Health Association na tumaas ang kaso ng mental health problem sa Lalawigan ng Palawan ngayong panahon ng pandemya dahil sa COVID-19.

Ayon kay Devie Mae Navarro, coordinator ng Philippine Mental Health Association-Palawan Chapter, bagamat walang eksaktong numero pero maging ang Department of Health ay nagsasabi na tumaas bilang ng mga mental health concern.

“…even the DOH po ay nagsabi na talagang tumaas yung dating number na mga na-receive tayong mga tawag…na kung titingnan natin talagang mental health concern, yung anxiety, takot, depression at iba pa,” aniya.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Dagdag pa ni Navarro, karamihan ngayon ay inilalabas na lamang sa social media ang nararamdaman at mas madaling makakuha ng ‘simpatya’ sa ibang tao.

“…mas madali na magsabi sa post kaysa magsabi sa kamag-anak, pero ang danger din na masyadong nagre-rely sa nakukuha nating validity or approval sa social media kasi hindi natin nailalapit doon sa kung sino ang kasama sa bahay. Kasi yung lungkot, takot  doon sinasabi sa mga post [sa social media].” dagdag pa ni Navarro.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Samantala hiniling naman nito na maging maunawain sa damdamin at nararanasan ng iba dahil baka ang iyong mga sasabihin o aksyon ay posibleng maging dahilan para sa pagkalumbay at pagkabalisa ng isang tao.

Hotline #

0936-285-5204 / 0938-832-4798