Mental health advocate sa Bicol, nanawagan sa mga local legislators na bumuo ng resolusyon kontra depresyon

LEGAZPI-Nanawagan ang isang mental health advocate sa Bicol Region sa mga local legislators na bumuo na o magpasa ng resolusyon kaugnay sa tumataas na kaso ng nagpapakamatay at nakakaranas ng depresyon sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Joseph Deleon Advincula, founder ng Bantay Kabataan KAUSAP Program, kahapon naitala ang isang babaeng pasahero na nagsisigaw sa loob ng jeep at isang dalaga naman ang tangkang tatalon sa tulay ng Legazpi City Boulevard at ang dahilan ay dumadanas ng depresyon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aniya, hangad niya sa lahat ng LGUs sa lalawigan na ang magpasa ng resolusyon at maglaan ng pondo para matutukan ang mga taong nagdadanas ng depresyon.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aminado rin sila na maraming mga kababayan ang walang kakayanan na gumastos o pumunta sa psychiatrist para magpatingin.

Nagpasalamat naman ito sa patuloy na sumusuporta sa kanilang programa mas lalo pa’t napapanahon na itong dapat tutukan ng gobyerno.