‘Menstrual leave’, nakatakdang ipatupad sa bansang Spain

Spain— Inanunsiyo ng gobyerno ng Espanya na nakatakda nilang aprubahan ang isang reform package na naglalayong mabigyan ng tatlong araw na menstrual leave ang mga kababaihan sakanilang bansa.

Layunin ng naturang panukala na mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang mga babaeng nakakaranas ng mga sintomas at pananakit sa tuwing dinaratnan ng buwanang dalaw katulad ng ‘dysmenorrhea’.

Maliban dito, tatanggalan din ng Value Added Tax o VAT ang sanitary pads at tampons sa ilalim ng nasabing package habang libre naman itong ipamimigay sa mga mahihirap na kababaihan sa naturang bansa.

Bago ito, una nang nagpatupad ng kaparehong polisiya ang bansang Zambia, at mga bansa sa Asya kabilang ang South Korea, Japan at Indonesia.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol