NAGA CITY – Dumami naman ang bilang ng mga batang lumalabag sa curfew hours sa Naga City. Ang mga ito ay inihahatid ng mga barangay tanod sa kanilang bahay o kaya naman dalhin sa children’s home kung hindi taga lungsod o dayo lamang.
Sa pakikipag-usap ni City Administrator Elmer Baldemoro sa mga taga media at sa Brigada News FM Naga sinabi nitong hindi naman nawala ang implimentasyon ng curfew for minors sa lungsod patunay nito ay ang pagkaka-rescue sa ilang mga kabataan ng mga barangay tanod, lalo na ngayong tag-init.
Nilinaw ni Baldemoro, na may mga prosesong sinusunod ang mga otoridad batay sa nakapaloob sa City Ordinance para sa mga nare-rescueng mga menor at kung papano ang tamang pagtrato sa mga ito sa kabila ng kanilang paglabag sa ordinansa.