CAMARINES SUR- Dakip sa entrapment operation ang 18-anyos na dalaga sa Calabanga, Camarines Sur. Ang suspek na itago lamang sa pangalang “Sissy” nangikil ng pera upang hindi ipakalat ang umano’y sex video ng 17-anyos na dalagita.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCpt. Angelo Babagay, sinabing humingi ng tulong ang 17-anyos na biktima matapos tatlong beses nang hingiian ng pera ng suspek mula Nobyembre 2022. P2, 500 ang demand ng suspek pero isanlibo pa lamang ang naibibigay ng biktima.
Ayon sa suspek kung hindi magbibigay ng pera ipapakalat nito ang malaswang video. Gumagamit ng iba-ibang account ang dalaga sa pakikipagtansaksyon nito tulad nang “hulaan mo”, “yesha hemady” and “jasmine magdaong”
Sa pag aksyon ng Naga City and Camarines Sur Anti Cybercrime Response Team dakip ang 18-anyos na si “Sissy” dalagang residente ng Calabanga parehong lalawigan.
Doon na rin napag-alaman na pinsan lang pala ng 17-anyos na biktima ang salarin.
Mahaharap na ito sa kasong Robbery Extortion in relation to RA 7610 further in relation to Sec 6 of RA 10175.
Payo naman ni PCapt. Babagay, huwag mag video kapag nasa private moment.