Media personality na may banta sa buhay, inabisuhan na magreport sa pulisya

NAGA CITY- Inabisuhan ng Camarines Sur Police Provincial Office ang mga kawagad ng Media na magreport sa tanggapan kung mayroong banta sa buhay.

Sa pagharap sa media ni Provincial Director PCol. Julius Cezar Domingo , sinabi nitong ayaw nilang mangyari ang naging isyu sa National Capital Region kung saan na kwestyon ang biglaang pagbisita ng umano’y hindi nakaunipormeng PNP personnel sa tahanan ng isang media personality kasunod ng pamamaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender
Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Binigyan diin ni Domingo na handa silang magbigay ng proteksyon sa local media. Sinabi rin na sa ngayon wala namang mamahayag na humihingi ng tulong pang seguridad.