55 rape cases naitala sa Camarines Sur

NAGA CITY- 55 na kaso na ng panghahalay ang naitala sa Camarines Sur ngayong mula Hulyo hanggang nitong Oktubre 2022 pero mas mababa na ito kumpara noong nagdaang taon.

Ito ang sinabi sa media ni PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng pulisya sa lalawigan.  Sa mga kasong ito ang Calabanga ang nakapagtala ng pinakamarami na hindi na binanggit ng opisyal kung ilan. Karamihan naman sa mga insidente sa probinsya ay sa mga malalayong barangay at tawid-dagat.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon kay Abalaing, ang ibang mga krimen ay kayang masawata sa police visibility pero mahirap ang kaso ng rape dahil nangyayari sa loob ng mga tahanan; ang iba sa mga suspek ay kaanak pa ng biktima.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Paliwanag ni Abalaing, malaki ang kaso sa Camarines Sur dahil malaki rin ang lugar, marami rin ang mayroon nang lakas ng loob na magsumbong.

Kaagapay ng mga biktima ang pulisya at ang Department of Social Welfare and Development Office.