MECO – wala pang naitatalang nasugatan o nasawing Pinoy sa lindol sa Taiwan

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na wala pang naitatalang nasugatan o nasawi na Pilipino matapos yanigin ng magnitude 7.5 na lindol ang Taiwan.

Ayon kay Silvestre Bello, Chairman ng MECO, sa ngayon ay walang namomonitor na mga Pilipinong apektado ng lindol.

Sa monitoring ng MECO nasa halos 200,000 ang mga kababayan nating naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

DMW, nakatutok na sa sitwasyon ng mga OFW sa Taiwan matapos tamaan ng magnitude 7.5 na lindol

Naka-monitor na ang Department of Migrant Workers sa sitwasyon ng mga manggagawang Pilipino sa Taiwan matapos ang lindol kaninang umaga.

Agad na nag-activate ng mga protocol ang tatlong Migrant Workers Offices ng DMW sa Taiwan sa mga Filipino community, mga lider, mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ng Taiwan pati na rin ang mga employer at trade associations upang tiyakin ang kaligtasan at katayuan ng mga Taiwan-based OFWs.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Nakahanda rin ang Taiwan Migrant Workers Offices na magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong OFW kung kinakailangan.