DICT, nababahala sa bagong polisiya ng X hinggil sa mga adult content

Nababahala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa bagong polisiya ng social media site na X na papayagan na ang mga adult content sa platform.

Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, patunay lamang ito na kailangan na talagang ma-regulate ang social media, katulad ng pag-himok niya sa mga iba pang social media platforms.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Sa ngayon, ang tanging magagawa lang aniya ng ahensya ay ang subaybayan ang pag-unlad na ito at panghawakan ang pangako ng X na ibu-blur nito ang mga sensitibong content.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Pinayuhan naman ni Dy ang mga magulang na mas lalong higpitan ang parental control sa mga kabataan upang maiwasan ang paggamit ng mga menor de edad sa mga ganitong plataporma.