Mayor ng Milaor Camarines Sur , ipinaliwanag ang pagpapabakuna sa puwet (buttocks)

NAGA CITY-  “Sa pagkakaalam ko, ako ang pinaka unang Mayor na turukan ng COVID-19 vaccine sa puwet”.

Ito ang ihinihayag sa Brigada News FM Naga ni Milaor , Camarines Sur Mayor Anthony “Labas” Reyes matapos na maturukan ng 1st dose ng AstraZeneca COVID Vaccine kasabay ng 108 na iba pa.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon kay Reyes, sa katunayan nabigla siya nang sabihin ng nurse na hindi siya maaaring turukan sa braso dahil may tattoo, isang option ang sa puwet at hindi naman siya tumanggi.

Una nang sinabi ni DOH Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena sa BNFM Naga na wala namang problema sa pagpapaturok sa buttocks, nakaugalian lamang aniya ang sa braso dahil mas madali. Sa katunayan plano sana noon ni Pangulong Duterte na sa puwet nagpaturok.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa pagpapabakuna ng alkalde naniniwala siyang, mas marami ang mahihikayat na pagpabakuna na rin na isa sa mga nakikitang daan upang matapos na ang pandemya.