Pangulong Marcos at Singapore President Shanmugaratnam, nagpulong na

Nagpulong na sina Pangulong Bongbong Marcos at Singapore President Tharman Shanmugaratnam na ginanap sa Istana.

Sa post ng Presidential Communications Office o PCO, layon ng pagpupulong na palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas at Singapore.

Ito ang kauna-unahang pagpupulong sa pagitan ng dalawang lider, matapos mag assume si Shanmugaratnam bilang head of state ng Republic of Singapore nong nakaraang taon.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos sa kamakailan nitong departure speech na iimbitahan din nito si Shanmugaratnam na bumisita sa Pilipinas.

Samantala, matapos nito ay isinagawa naman ang bilateral meeting si Pangulong Marcos ngayong hapon sa Prime Minister ng Lithuania, at ang speaking engagement nito sa Shangri-La dialogue 2024.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *