Mayor Boboy Morales ng bayan ng Mercesdes Camarines Norte, nilinaw na wala umanong ‘campaign fund’ na nakukuha mula kay Presidential Candidate Leni Robredo

Nilinaw ni Mayor Boboy Morales ng bayan ng Mercedes na walang campaign fund na nakukuha mula kay Vice President at Presidential Candidate Leni Robredo.

Ito kasi ang alegasyon sa alkalde na binigyan ito ng pera para sa vote buying sa darating na May 9 election.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon sa alkalde, napakalabo aniya na mangyari na  magbigay ng pondo ang bise presidente sa kanya dahil halos lahat ng nga sorties rally at mga meeting ay halos mga galing sa mga boluntaryong supporters ng bise presidente.

Tulad na rin aniya ng mga pagbisita sa bayan ng Mercedes ni Robredo ay mismong nanggaling sa kanya ang mga gastusin at hindi sa pangalawang pangulo. Kaya dahil sa isyu na gagawin aniya ang vote buying sa kanyang bayan ay malabong mangyari tulad ng ibinabato sa kanya na isyu ng mga kalaban sa politika.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City