Inamin ni Senadora Imee Marcos na lumapit sa kanya si Mayor Baste Duterte upang manghingi ng tawad.
Ito ay matapos niyang sabihin kay Pangulong Bongbong Marcos na mag-resign na lang sa kanyang pwesto kung hindi na nito mahal at wala na siyang hangarin pa para sa bansa.
Ayon kay Marcos, naiintindihan niya ang naging bugso ng damdamin ni Duterte.
Lalo na’t kung iisipin daw ay makukulong ang tatay at ate nito.
Maalala, naglabas na ng pahayag si Vice President at Education Secretary Sara Duterte tungkol dito at sinabi niyang “brotherly love” lang ang ipinakita ng kanyang kapatid.