Mayor Baste – kinundena ang pagpapatalsik sa Davao-policemen re: drug-related killings

Kinondena ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pagtanggal sa 35 Davao police personnel sa kanilang mga tungkulin dahil sa umano’y pagpatay na may kinalaman sa droga.

Ayon kay Mayor Duterte, mariin niyang tinututulan ang anumang pagsisikap na sirain ang pinaghirapang pagtitiwala sa pagitan ng law enforcement at ng kanilang komunidad.

Kabilang sa mga ni-relieve na tauhan ay si Davao City Police chief P/Colonel Richard Bad-ang na isinailalim din sa administrative suspension.

Ayon sa Police Regional Office-Davao, sinuspinde si Bad-ang upang hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon.

Mula Marso 23 hanggang 26, pitong drug suspect ang napatay sa magkahiwalay na buy-bust operation, apat na araw matapos magdeklara si Duterte ng war on illegal drugs sa Davao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *