Nagpatupad ng financial penalty ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) laban sa west zone concessionaire na Maynilad Water Services Inc.
Ito ay matapos ang umano’y kontaminadong tubig sa ilang lugar sa Caloocan City noong nakaraang taon.
Umabot sa higit P2M ang multang ipinataw sa Maynilad.
Nasa 3,841 water service connections ang apektado sa 14 barangays.
Nangangahulugan ito na magkakaroon ng rebate o balik-bayad na P530.69 kada-koneksyon.
Nirerespeto umano ng Maynilad ang naging desisyon ng MWSS Regulatory Office na magpatupad ng financial penalty.
Kasabay nito, tiniyak ng Maynilad na ligtas pa rin ang kanilang tubig.
Pinagtibay din nito ang commitment nila sa quality at customer safety.
Ang penalty na ito ay magsisilbing rebates sa kada-buwang bill ng mga apektadong customers