DOJ – kinasuhan ang ‘bugaw’ ng mga kabataang lalaki sa mga Kano

Kinasuhan na ng Department of Justice ang isang lalaki sa Calamba, Laguna matapos mahuling ibinubugaw online ang ilang kabataang lalaki sa mga foreigners para sa live show o malaswang larawan at videos.

Inihain ng DOJ ang patong-patong na kasong criminal laban kay John Patrick Carmona dahil sa paglabag sa RA 9208 o ang Anti-trafficking in persons act of 2003.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nakatanggap ang National Bureau of Investigation o NBI ng isang tip mula sa FBI ng United States tungkol sa pagbebenta ng mga malalaswang larawan at videos ng suspek gamit ang social media platform na X.

Nakipag ugnayan ang under cover agent ng NBI sa suspek gamit ang messaging app na telegram upang maikasa ang isang entrapment operation.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Nadakip si Carmona sa operasyon habang na-rescue naman ang tatlong menor de edad na lalaki.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, hindi titigil ang DOJ sa paglaban at pagsugpo sa mga human trafficker sa bansa.

Anya, determinado ang pamahalaan na tuldukan ang mga pang aabuso lalong-lalo na sa mga kabataan at kababaihan.