Maulang weekend, asahan na – PAGASA

Wala pa ring binabantayang sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAG-ASA, walang low pressure area at mga bagyo na inaasahang papasok ng bansa sa loob ng susunod na tatlo hanggang limang araw.

Sa kabila nito, patuloy pa ring umiiral ang Southwest Monsoon o Habagat sa bahagi ng Northern Luzon at sa Western portion ng Central Luzon.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Dahil dito, asahan na ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may kidlat at kulog sa Cagayan, Batanes, CAR, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Tarlac at sa Pampanga.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Sa Metro Manila at naalabing bahagi ng bansa, asahan ang fair weather sa maghapon, ngunit mataas pa rin ang tiyansa ng pag-ulan pagdating ng hapon hanggang sa gabi.

Sisikat ang araw mamayang alas-singko bente siyete; habang lulubog naman ang araw mamayang alas-sais disi otso ng gabi.
#