Tila tagilid ngayon sa ilang nga mambabatas ang ipinapanukalang pagpalit ng pangalan ng Bayanihan Law para maging ‘BBM Law’ o Bayan Bangon Muli Law.
Ito ay makaraang sabihin ng napipisil na susunod na House Speaker na si Majority Leader Martin Romualdez na baka isunod nila sa initials ni presumptive president Bongbong Marcos ang pangalan ng stimulus law ng Gobyerno para sa COVID-19 response.

Sa isang panayam, sinabi ni Senador Koko Pimentel na kinakailangan munang aralin ang mga detalye ng gagawing pag-amiyenda sa panukalang ito.
Maliban sa lalamaning ng batas, dapat din aniya ay isiping mabuti kung kailangan pang palitan ang pangalan nito.
Giit niya, hindi naman daw ‘nakadapa’ ang bayan ngayon kaya dapat punahin ang title nito na Bangon Muli.
#