Pumanaw na sa edad na 80 ang tinaguriang ‘Queen of Philippine Movies’ na si Jesusa Sonora Poe o mas kilala bilang Susan Roces.
Kinumpirma ni Senadora Grace Poe ang pagpanaw ng beteranang aktres kagabi.
Kasama raw nito sa kanyang mga huling sandali ang Senadora, at ang mga pamangkin na sina Joseph at Jeffey.
Sa pahayag, sinabi ni Poe na mami-miss nila si Roces na naging isang mabuting anak, ina, lola, at itinuturing na isang tunay na Pilipina at national treasure.
‘She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth, and kindness. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ.’ dagdag pa sa pahayag.
Matatandaang si Roces ang asawa ng mapayapang King of Philippine Movies na si Ronnie ‘Da King’ Fernando Poe Jr.
#