Matinding traffic asahan sa Naga City kaugnay ng pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan

NAGA CITY- Matinding traffic ang inaasahan sa Naga City, kaugnay ng pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong araw.

Abala ang kalsada dahil sa mga guro, mag-aaral pati mga magulang. Kaya naman sinabi ni Naga City Police Office (NCPO) City Director PCol. Nelson Pacalso Sabado pa lamang may mga naka deploy na sa mga paaralan pero normal alert pa rin ang tawag nila rito.  Katuwang sila ng Public Safety Office sa traffic management.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay Pacalso, dalawang taong walang paghatid sa paaralan dahil sa pandemya tiyak na sabik ang mga magulang at estudyante kaya tutulong ang PNP.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa kasalukuyan hindi gumagana ang ilang mga traffic lights sa Naga , una nang sinabi ng LGU na inaayos na ito pati CCTV Cameras.