Malacañang, kumbinsidong artificial lang ang sugar shortage sa bansa

Kumbisido na ang Malacañang na ang kakulangan sa suplay ng asukal sa bansa ay artificial lang, matapos ang isa pang inspeksyon sa sugar warehouses dahil sa umano’y hoarding.

Sa inspeksyon na ginawa sa apat na mga warehouses sa Bulacan, kinumpirma ng Office of the Press Secretary (OPS) na nasa 60,000 bags ng suspected hoarded sugar ang nadiskubre ng mga otoridad.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Dalawa sa mga warehouses ay half-full habang ang isa ay may sako-sakong asukal na umabot hanggang bubungan.

Batay sa caretaker ng warehouse, ang sako-sakong asukal mula sa Thailand ay kadedeliver lang noong Biyernes ng gabi sa pamamagitan ng Sugar Order No. 3, na nagpapahintulot sa pag-angkat ng nasa 200,000 metric tons (MT) ng naturang commodity.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ayon sa OPS, beneberipika pa ng BOC ang authenticity ng importation documents.