Matinding init, nararanasan sa bansang US

Matinding heat wave ang nararanasan sa kanlurang baybayin ng United State West Coast.

Dahil dito, milyun-milyong mga Amerikano ang pawis na pawis dulot ng heat dome sa bahagi ng Arizona at Nevada.

Ayon sa National Weather Service, matatayang nasa 36M tao ang nakaranas ng labis na init na nagmumula sa heat dome na ito.

Nagdudulot ito ng mga record-breaking na temperatura sa California at sa buong mundo.

Inaasahan magkakarooon ng mataas na temperatura sa Washington, Oregon, California, hilagang Arizona, at gitnang Idaho.

Samantala, aabot naman sa halos 130°F ang temperatura sa Death Valley National Park, sa kahabaan ng California-Nevada.

Pahayag naman ng Meteorologist ng NWS na si Bryan Jackson, makakaranas ng pinakamainit na panahon o 20 degrees above normal ang bahagi ng Redding sa California.

Posibleng mararamadaman dito ang temperaturang aabot sa 119°F. (BRIGADA INTERN – JESSA QUIROZ)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *