Mastermind sa isang armed robbery sa Cebu city, pumasa sa PH BAR Exam

Lahat naman tayo ay mayroong pangarap na mistulang gagawin natin ang lahat para maabot natin ito.

Ngunit, hanggang saan aabot ang pangarap mo, kung ika’y bigla na lamang napunta sa kulungan dahil sa hindi magandang gawi at panlalamang sa lipunan.

Isa kasing mastermind na suspek kamakailan ang naaresto dahil sa pagkakadawit sa isang armed robbery sa Cebu City.

Ngunit, ang ikinabigla ng karamihan, ang naturang suspek ay kumuha pala ng Philippine Bar Examination noong Nobyembre 25.

Ang nakaiintriga pa rito ay lumabas na ang resulta ng nasabing pagsusulit nitong nagdaang araw at nakapasa ang naturang suspek.

Ayon sa kaniyang abogado ang tanging pag-asa ay ang Office of the City Prosecutor at dapat hindi umano makahanap ng probable cause laban sa kaniya upang siya ay makalaya mula sa detensyon sa Disyembre 11 at kung hindi, kinakailangang malagay ng piyansa upang siya ay makadalo sa oath-taking sa Maynila.

Sa ngayon, naging palaisipan pa rin sa karamihan ang pangyayaring ito na mistulang ipinalit umano ng suspek ang kaniyang pangarap sa pansamantalang pagyaman na naghatid sa kaniyang kapahamakan.###WENCY LISAY