𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝟮𝟯𝟲,𝟬𝟬𝟬 𝗧𝗥𝗘𝗘𝗦: 𝗔 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗜𝗙𝗧 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗

Nilahukan ng iba’t ibang paaralan sa Lalawigan ng Isabela ang 236,000 Trees: A Christmas Gift For Children Project ng Department of Education (DepEd) ngayong araw, December 6.

Isa na rito ang Alicia National High School (ANHS) kung saan na 20 estudyante sa High School kasama ang mga selected na teaching staff ang nagsama-sama para sa isinagawang tree planting sa Barangay Bliss, Paddad, Alicia, Isabela.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Tulong-tulong din ang mga estudyante at mga guro sa Rizal Region National High School, mula pa rin sa Bayan ng Alicia upang itanim ang mga seedlings ng calamansi, duhat, makopa, at mangga sa vicinity ng kanilang paaralan.

Samantala, nagsanib-pwersa naman ang 30 katao sa San Jose National High School (SJNHS) sa bayan ng Mallig sa naturang aktibidad at hinikayat din nila ang kanilang mga mag-aaral na magtanim sa kani-kanilang mga bakura.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang naturang proyekto ay base sa inilabas na Deped Memorandum No. 69 s. 2023 kung saan naglalayon itong mapangalagaan an gating kapaligiran at imulat ang mga mata ng mga mag-aaral sa kanilang responsibilidad sa lipunan.