Naka-wangwang, naka-hazard light at tila nag-eescortan pa ang dalawang pasaway na ambulansiyang nahuli sa EDSA busway ngayong araw.
Ayon sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation, unang nahuli ang dalawang ambulansya dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa busway.
Ang dahilan umano ng mga ito ay may hinahabol silang event sa isang mall sa Pasay.
Ayon pa sa SAICT, wala umano ang mga itong naipakitang dispatch order at walang sakay na pasyente habang naka-wangwang at hazard light na dumaan sa busway.
Matapos mahuli at matiketan, muling pumasok ang dalawang pasaway na ambulasiya sa bus lane, at muling nagbukas ng wangwang at hazard light na tila nagmamadaling tumakas.
Dahil sa insidente, maghahain ang SAICT ng Show Cause Order mula sa Land Transportation Office (LTO) para pagpaliwanagin ang mga driver nito.