Dating San Juan mayor, Sen. JV – dismayado umano sa gulo sa ‘Wattah Wattah Festival’

Labis umanong ikinalungkot ni dating San Juan Mayor, Senador JV Ejercito ang nangyaring kaguluhan sa kamakailang ‘Wattah Wattah Festival’ sa San Juan City.

Ito ay matapos maghain ng isang San JuaneƱos ng reklamo sa isang motorcycle rider na di umano’y nag-spray sa kanya ng muriatic acid.

Ayon kay Ejercito, isa ang Wattah Wattah sa mga sikat na kapistahan noon tulad ng Sinulog, Ati-Atihan, Dinagyang, Panagbengga, Kadayawan at iba pa.

Kaugnay nito, marahil maituturing umanong ‘failure of leadership’ ang nangyari dahil posibleng nagkulang sa preparasyon at pagpapaalala sa pagsasagawa nito.

Samantala, hindi rin kumbinsido ang senador na may pangsasabotaheng nangyari katulad ng pinaniniwalaan ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *