LEGAZPI CITY – Pinasalamatan ng Labor Representative ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pag-apruba ng umento sa sahod ngayon taon.
Aminado si Dante Encinas, kinatawan ng Labor, na hindi pa rin ito sapat at kulang para sa kanila ang idinagdadag na sahod ngayon taon dahil sa mataas ang mga bilihin sa merkado at sabayan pa ang pagtaas rin ng presyo ng gasoline.
Nauunawaan rin ng mga ito kung bakit yan na muna ang inaprobahan na dagdag sahod dahil sa kakabukas pa lang ng kanilang negosyo at ekonomiya ng bansa kung saan karamihan sa mga nagnenegosyo ay nalubog o nalugi ang kanilang.
Ayon pa kay Encinas, ang kanilang proposal na dagdag sahod ay PHP90 pero dahil sa negosasyon sa mga employer at government agencies, nakabuo kami ng PHP55.
Sa kabilang banda, malaking tulong na rin umano ito para sa mga minimum wage earners.
Umaasa ang mga sektor na mayroon pa rin na dagdag sahod sa susunod na taon.