Massive vaccination, isinasagawa sa Koronadal

KORONADAL CITY- UPANG maabot ang mga malalayong lugar at upang mabakunahan ang lahat ng mamamayan ng lungsod ng Koronadal, isang massive vaccination ang kasalukuyang isinasagawa ng (CHO) sa iba’t ibang barangay sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) Region XII.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Upang mapanatili pa rin ang standard health protocol, binigyan ng schedule ang bawat barangay upang maihanda ang mga magpapabakuna at maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao.

Ayon kay Rural Health Physician Dr. Stephen Mortera na bukas sa lahat ng mga priority group ang nasabing pamamakuna at inaasahang magiging mataas ang bilang ng mababakunahan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Samantalang ipinaliwanag naman ni City Health Education and Promotion Officer (HEPO) Glenn Mar Doctolero na ang bilis pamamakuna ay nakadepende pa rin sa alokasyon ng DOH XII.