Mass transit projects ng DOTr, makatutulong umano sa paglago ng turismo sa bansa

Inihayag ng Department of Transportation na mapalalakas ng transport projects ang sektor ng turismo sa bansa.

Sa pagbubukas ng Travel Madness Expo 2024, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang kumpiyansa sa pagdagsa ng mga turista ay nakabase sa pinaigting na transport sector.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Bukod aniya sa magagarantiyang “mobility”, susuportahan ng flagship projects ang national tourism efforts ng bansa.

Ipinunto rin ni Bautista na mahalaga ang pagpapabuti at modernisasyon ng transport systems upang masiguro sa mga turista na magiging masaya ang bakasyon magmula sa biyahe hanggang makarating sa destinasyon at makauwi.

Read More:  Romualdez camp denies role in Guteza recantation

Kabilang sa ibinidang proyekto ng kalihim ang modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport, Laguindingan at Bohol-Panglao Airports pati na ang konstruksyon ng New Manila International Airport.

Isinasaayos na rin umano ang expansion ng bike lanes, EDSA Busway, PUV Modernization Program at mega rail projects na kinabibilangan ng North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway.