DTI, inilunsad ang nationwide rice price monitoring

Nag lunsad ang pamahalaan ng nationwide rice price monitoring upang i-assess ang epekto ng rice tarrif reduction sa buong supply chain o mula importer hanggang mga retailers.

Pangungunahan ito ng Department of Trade and Industry o DTI katuwang ang Department of Agriculture o DA.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Sakop ng nationwide rice price monitoring ang iba’t ibang mga pamilihan, kabilang ang mga supermarkets, hypermarket, at mga grocery stores na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DTI, gayundin ang mga pamilihang bayan sa ilalim naman ng pangangasiwa ng DA.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Nabatid na naglabas ang Malacañang ng Executive Order number 62 nitong Hunyo, kung saan ibinaba sa 15% mula sa dating 35% ang taripa sa bigas.