Nadagdagan pa ang kanseladong flights ngayong araw bunsod ng masamang panahon.
Sa abiso mula sa Manila International Airport Authority, kinansela na ang biyahe ng PAL Express flights 2P 2949, 2950, 2997, 2998, 2953 at 2954 na may rutang Manila-Zamboanga-Manila.
Nagkansela rin ang Cebu Pacific ng biyaheng Manila-Zamboanga-Manila partikular ang flights 5J 851, 852, 859, 860, 853, 854, 857, 858, 849, 850 at 858D.
Samantala, wala namang biyahe ang AirSWIFT flights T6 710 at 711 na may rutang Manila-Romblon-Manila.
Pinayuhan ng MIAA ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa airline companies para sa schedule at iba pang assistance hinggil sa mga nakanselang flights.