Legazpi SDO, nilinaw na wala silang ginawang negatibo na naging dahilan sa pag-adjust ng gawain para sa nat’l teacher’s day

LEGAZPI CITY – Wala umanong ginawang negatibo ang Legazpi City Schools Division Office (SDO) kung bakit hindi natapos ang mga kinakailangang gawin sa mismong araw ng National Teacher’s Day kahapon na naging dahilan sa pag-adjust ng petsa ng akitibad sa pagdiriwang nito.

Ipinaliwanag ni Dr. Santi Araña, spokesperson ng Legazpi SDO, sa Brigada News FM Legazpi, na ang dahilan nito ay ang pagsunod nila sa polisiya kung saan nakasaad sa isang memorandum na hindi dapat magambala ang klase maging ang bilang ng mga araw ng pasok ng mga mag-aaral.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Idinagdag niyang ang isang milyumpisong pondo na mula sa City Government of Legazpi ay naibigay na sa City Division kasabay ng lehitimong organisasyon ng mga guro sa lunsod. Idadaos ang culminating activity sa pagdiriwang ng teacher’s day sa darating na Sabado, Oktubre 8, na gaganapin sa Legazpi City Convention Center, kung saan inaasahan ang hindi na tataas pa sa dalawanglibong guro ang dadalo mula sa lunsod.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique