Target ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magkaroon pa ng mas maraming trabaho sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ito ang isa sa mga tinalakay niyang agenda sa kanyang naging pulong sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council (PSAC).
Kaugnay nito, may ilang paraan na inilatag ang PSAC kung paano makapagbibigay ng maraming trabaho sa mas marami pang Pilipino.
Kabilang dito ang mga Scale up MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises); Identify labor-intensive; high-potential industry segments; at ang panghihikayat sa iba pang mga investor upang makagawa o makapagpatayo ng mga bagong business.
Kaagad namang sinuportahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga nasabing plano ng PSAC.
Samantala, inaasahang sa susunod na linggo ay muling makikipapulong ang Pangulo sa PSAC upang talakayin naman ang Build, Build, Build program at ang pagpapalakas pa sa tourism sector.