Pumalo sa mahigit 200,000 ang kabuoang bilang ng foreign tourist arrivals sa Pilipinas, simula nang muling buksan ang mga borders ng bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang foreign arrivals mula sa United States ang nanguna sa listahan sa 43,744 visitors, na sinundan ng Canada sa 9,618; United Kingdom sa 9,315; South Korea sa 8,440; at Australia sa 8,212 tourists.

Dagdag ni Puyat, ang pagdagsa ng mga turista sa bansa ay isang magandang hakbang sa tagumpay ng industriya sa kanilang paghahanda para tanggapin ang mga foreign tourists sa new normal.
Matatandaan na noong February 10 nang buksan ng Pilipinas ang mga borders para sa foreign tourists, matapos ipatupad ang travel restrictions ng halos dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.